Sunday, December 1, 2013

Hindi mo ba alam

Siakol

Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan 
Sa tuwing ikaw ay aalis at hindi nagpaalam
Nais kong malaman mo na ako'y nagtatampo
Pag nalimutan mo ang pasalubong ko

(same chords on 1st stanza) 
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan
Pag nakikita kitang may ibang ka kwentuhan
Nais kong malaman mo na ako'y nandirito
Pwede ba ako kahit maki usyoso

Chorus:
Ngunit pag sapit ng gabi heto ka sa 'king tabi
Sa pagibig mo 'di ako nagsisisi 
At paggising sa umaga maamo mong mukha ang nakikita
Na sa akin ay lubos na nagpa-paligaya.

(same chords on 1st stanza) 
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan 
Sa tuwing ika'y na lulungkot at mata ay luhaan 
Nais kong malaman mo 
'Yan ay pupunasan ko 
Sa katapatan ng pagmamahal ko sa iyo.

Repeat Chorus

Solo Guitar

Repeat Chorus

Hindi mo ba alam?


Copyright UgeneLyrics.blogspot.com All Rights Reserved © 2013 

Peksman

Siakol

Kahit ano basta ikaw
Walang problema
Kahit buhay ibibigay
Ito'y pangako ko sinta
Dahil ayokong malayo sa 'yo
Magmukha man akong gago
Pagkat minamahal kita
O giliw ko.

(1st verse chords)

Kahit ano basta ikaw
Ay aking susundin
Kahit bituin susungkitin
Wag lang akong mabibitin
Siguro ay wala na akong
Dapat pang ipangamba
Sa ganitong paraan
Di mo na 'ko iiwan pa.

Chorus:
Peksman, mamatay man
Basta't iyong kagustuhan
Hindi magdadalawang isip
Ika'y aking pagbibigyan
Buong oras ko
Iuukol lamang sa 'yo
Bulaklak para sa iyo
Piso tumpok ang bili ko
May kasama pang lobo.

(1st verse chords)

Kahit ano basta ikaw
Matutupad ang pangarap
Kahit hirap ay sasarap
Habang ako ay kayakap
Huwag ka sanang maniwala
Sa sinasabi nila
Hindi mo ba nakikita
Sa aking mga mata?


Copyright UgeneLyrics.blogspot.com All Rights Reserved © 2013 

Lakas Tama

Siakol

Bulag ang pag-ibig
Kasabihan na sa atin
Ngunit para sa 'yo
Ang pag-ibig ko ay duleng
Pagkat dalawang beses ako
Sa'yo may pagtingin
Kay tindi ng 'yong dating
Sa puso't damdamin

Sa tunay kong pagmamahal
Natotorpe sa 'yo
Mukhang pinasukan ng daga
Ang puso kong bato
Dahil alam ko rin
Walang ibubunga ito
Natatakot akong mawala
Ang isang katulad mo

Chorus:
Lakas tama 
Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
Pag nakikita ka
Sinta lakas tama
Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
Pag nakikita ka sinta

Mga kamay ko ay
Nanginginig na sa iyo
Napapayakap ka
Sa tuwing giniginaw ako
At ang iyong labi
Na sa 'kin ay tumutukso
Kailan mahahagkan
Ng matapos na ang gulo

Sa pagputi ba ng uwak
Mo 'ko sasagutin
Kung ang kulay mo ay
Kay hirap paputiin
Ipagpatawad mo na lang
Pagkat kang mahalin
Ganto ako kung umibig
Medyo napapraning

Repeat Chorus

Repeat Chorus

Repeat Chorus



Copyright UgeneLyrics.blogspot.com All Rights Reserved © 2013