Sunday, December 1, 2013

Lakas Tama

Siakol

Bulag ang pag-ibig
Kasabihan na sa atin
Ngunit para sa 'yo
Ang pag-ibig ko ay duleng
Pagkat dalawang beses ako
Sa'yo may pagtingin
Kay tindi ng 'yong dating
Sa puso't damdamin

Sa tunay kong pagmamahal
Natotorpe sa 'yo
Mukhang pinasukan ng daga
Ang puso kong bato
Dahil alam ko rin
Walang ibubunga ito
Natatakot akong mawala
Ang isang katulad mo

Chorus:
Lakas tama 
Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
Pag nakikita ka
Sinta lakas tama
Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
Pag nakikita ka sinta

Mga kamay ko ay
Nanginginig na sa iyo
Napapayakap ka
Sa tuwing giniginaw ako
At ang iyong labi
Na sa 'kin ay tumutukso
Kailan mahahagkan
Ng matapos na ang gulo

Sa pagputi ba ng uwak
Mo 'ko sasagutin
Kung ang kulay mo ay
Kay hirap paputiin
Ipagpatawad mo na lang
Pagkat kang mahalin
Ganto ako kung umibig
Medyo napapraning

Repeat Chorus

Repeat Chorus

Repeat Chorus



Copyright UgeneLyrics.blogspot.com All Rights Reserved © 2013 

No comments: