Arnel Aquino
Verse 1:Bawat huni ng ibon sa pag-ihip ng amihan
Wangis Mo'y aking natatanaw
Pagdampi ng umaga sa nanlamig kong kalamnan
Init Mo'y pangarap kong hagkan
Koro 1:
Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay(kay tamis) kailanpaman
Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasa-ibayong kaginhawahan
Verse 2:
Nangungulilang malay binulungan ng tinig Mo
Nagdulot ng katiwasayan
Paghahanap katwiran nilusaw Mo sa simbuyong
Karilagan ng pagmamahal (Koro 1)
Koro 2:
Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kailanpaman
Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasa-ibayong kaginhawahan
Coda:
Dalangin pa sana'y mapagtanto kong tunay
kaganapan ng buhay ko'y ikaw lamang
Copyright UgeneLyrics.blogspot.com All Rights Reserved © 2013
No comments:
Post a Comment