Spongecola
Labis ako'y nahuhumalingSabik sa bawat sandaling
Ika'y makapiling
Giliw, hayaang lumapit
Wag mo sanang ipagkait
Mamalas ang langit
Chorus:
Anong nadarama
Tuwing makikita kang dumarating
Tuliro, 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo
Hay...
Wari, 'di ko na malimot
Mga galaw at kilos mo
Sa aking pagtulog
At sa panaginip, ika'y mamalagi
Di na muling malulumbay
Sa aking paggising..
Repeat Chorus
Anong nadarama..
AD LIB
Pa'nong nadarama
Gayong sa isip ko'y hindi ka maalis
Tuliro, 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yoooo
Anong nadarama
Ngayon at nandirito ka sa 'king tabi
Tuliro, 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo..
Tuliro..........
[Repeat till fade]
DOWNLOAD MP3
Copyright UgeneLyrics.blogspot.com All Rights Reserved © 2013
No comments:
Post a Comment